Monday, November 14, 2016

Marami na akong napanaginipan pero di ko na naisulat. kanina nanaginip ako. may nagbigay sa akin ng buko at kinain ko. hindi pa masyadong malaman yung buko, medyo malambot pa. malauhog kung tawagin. tapos tumingala ako at nakita ko yung puno ng niyog na hitik sa bunga. may mga niyog na at may mga buko pa. tapos may umakyat at kinuha ang mga bunga ng buko at inilagay sa daan at tinakpan. Tapos papasok ako sa bahay tapos napansin ko ay hindi pala ito ang bahay ko. pumunta ako sa kabilang bahay at binuksan ko ang pinto. nagagandahan ako sa bahay. pagpasok ay nakapunta ako sa salas nakita ko yung magandang double bed na yari sa magandang uri ng kahoy. may sofa pa. dun daw ang higaan ng aking mga anak. then nagpunta ako sa may kusina. yari iyon sa kawayan. tapos may plywood papuntang kusina tapos may bababaan na parang terrace sa baba o pahingahan.. nagagandahan ako sa bahay. yari lang sa simpleng materials, pero maganda ang pagkakaayos.

Thursday, May 9, 2013

Isang panaginip na naman. Napunta daw ako sa isang lugar na malapit na sa Mars. Maganda ung lugar, parang bundok, tapos may mga kasama ako, di ko lang matandaan kung sino, tapos dun daw kmi tumigil sa isang kubo na butas butas ang bubong. Nung gabi na may mga lumilipad na malalaking paniki. pero nakahiga lng kami sa nakikita namin, minsan may na babagsak na mga paniki pero hindi na lang namin pinapansin. Tapos lumabas kami ng kubo, nakita namin na napakalapit na namin sa kabilang mundo ibig kong sabihin another planet. Konti na lng at nandun na kmi. Tapos may nakita akong parang dagat at kumuha ako ng putik na nandun sa mga ibabaw ng bato na may tubig. parang anglaki ko naman dun, akalain mo, kaya ng kamay ko na hawakan ang dagat. weh.. basta, ang hindi ko talaga malimutan eh yung kabilang earth, saka parang may buwan pa... basta,. sana nga may iba pang mundo na pedeng tirhan ng tao..

Sunday, November 18, 2012

Hindi naka;ista ang name ko sa List ng mga nakapasa sa LET

Papalapit na ng LET result release, napanaginipan ko kagabi na lumabas na daw ang list of passer, hindi ko nakita ang name ko kaya nlungkot ako. pero nang tingnan ko uli, nalita ko naman ang email address ko sa listahan. nakakatawa kelan ba naman napasama ang email add sa listahan ng passer ng LET...


Friday, October 28, 2011

Napakalaking Buwan

Nanaginip ako kagabi na manganganak na daw ako, hinihintay ko lng na sumakit ang tyan ko ng masakit na nasakit, pero hindi pa naman sumasakit ng masakit talaga, konti lang, tapos nakita ko ang napakalaking buwan sa langit. Natakot ako sa buwan kaseh sobrang laki. napakaliwanag, hindi ko nga malaman kung umaga ba yun o gabi pero maliwanag, palubog ang buwan at pasikat ang araw, sumisikat na ang araw, nandun pa din ang napakalaking buwan. hanggang naisip ko, teka Pitong Buwan pa lang ang Tyan ko, at hindi pa ako pedeng mangangak, at tinitingnan ko ang buwan, nandun pa din at napaka laki.

ngayon ay mag 6 pa lng ang tyan ko sa panagtlo kong anak, ibig sabihin kya nito ant natatakot na naman akong i grab ang bagong opportunity da darating sa buhay ko? pero kung malaking opportunity un, dapat hindi ako matakot tulad ng nararamdaman ko sa panaginip ko. pero sa totoo lng hindi din kseh ako mapalagay sa ngayon, totoong takot ako sa bagong opportunity dahil hindi ko alam kung paano ako magsisimula gayong manganganak pa ako sa pangatlo kong baby. nag iisip nga ako n magbago ng carrier pero natatako nga ako. ano ba kya ang dapat kong gawin?

Siguro kelangan ko muna alamin kung ano yung opportunity na dadating sa akin?, kung nararamdaman ko pa rin ang takot? kela nagn ko ng tulong ng kahit na sino na pedeng magpayo sa akin ng tama o mali, nahihirapan kc akong magdesisyon.

Sunday, July 17, 2011

06-17 to 18-2011

Kakaiba na naman ang mga panaginip ko.

1. nasa loob ako ng CR at may kasama pa akong ibang mga babae, may nakalatag na banig doon. tapos nakita namin na saloob ng inidoro ay may 2 na uu na mahaba. tapos ng binuhusan ang inidoro ay naging mais ang mga uu 2 mais na buo at sariwa, ung isa ang binuksan at binasag pero yung isa sabi ko eh sa labas n lang natin itapon dahil di naman lulubog sa inidoro yan, pero di naman naim itinapon at hinayaan lng sa sahig ng CR.
2. tapos maya maya at nasa loob naman ako ng bahay at nagpapataya ang tatay ko ng STL. tiningnan ko ang listahan ng mga tumama, at sabi ko puro 3 ang mga tumama, tapos naisip ko malamang 32 ang tatama tapos tinuangan ko ng 6, sabi ko sa tatay ko tayaan tinayaan ko sya ng 18 at 10 kaya may sukli pa akong 2 sa ibinigay ko.
3. Tapos napunta naman ako sa kalsada at may tulak tulak kmi ng isa kong kaklase na pushcart na maliit, inilagay muna namin yun sa may tabi ng kalsada. tapos pumasok ako sa isang room n may ginaganap na meeting kasama ang aming kapitan. tapos parang may naaamok ako na mabaho parang umaalingasaw na pawis or basura, kaya lumabas na ako. tapos nasa labas nman at nakaupo ang classmate ko sabi ko sa kanya, ako n lang ang magsosoli ng pushcart sabi nya cge intayin n lng kta d2. tapos pinuntahan ko ang pushcart sa may kalsada pero kinuha yun ng magbobote, tapos hinabol ko sila, hindi ko inabutan, tapos nakita ko pa na parang nang iinis na pinaglalaruan ang mga barya sa kanilang kamay. iyak daw ako habang sinasabi ko na ibalik nyo sa akin ang pushcart ko...tapos bumalik din at ibinalik sa akin yung push cart.
4. Napunta nman ako sa isang room, sa room na yun may nalaglag galing sa puno, nung tingnan ko isang bat (paniki) na maliit. tapos may lumaglag pa na medyo malaki. hinawakan ko ang pakpak para hindi makalipad yung malaki. tapos sinubukan ko ilagay sa isang kulungan pero nakaalpas ito at hinayaan ko n lng pero naghihinayang ako na hindi ko naikulong.

Monday, December 20, 2010

Panaginip 12-21 am

Napanaginipan ko na yung isang pulitiko sa aming baranggay ay pumunta sa amin at tumugtog ng gitara. may mga tao na kikisabay sa pag kanta pati ako at ang ate ko. tapos umalis ako para magpractice ng kanta na kakantahin ko.

nagising ako..

Nanaginip uli ako ng isang aso na kulay puti, may hinahanap daw ako at napaka lungkot ko sa panaginip ko iyon tapos ay umiiyak ako sa aso na kulay puti na yun.

Nagising na naman ako.

I dont know what is the meaning of these, pero parang kelangan kong iready ang sarili ko, dahil malamang may mararanasan akong pagsubok this coming few days... I hope God will always protect me and Guide me in all the decissions that i will make. Please God Help me.

Thursday, November 18, 2010

Panaginip 11-19-2010

Madami na naman akong napanaginipan na hindi ko na maalala. Pero kagabi, maraming panaginip ang aking nakita. ibat ibang lugar at ibat ibang mag ginagawa ng mga tao sa paligid, pero hindi ko na maalala ang ibang mga detalye. Ang natatandaan ko aiy ang mga parang Falling star na gumuguhit sa langit gabi at madilim pero parang may mga bituin, tapos yun nga yung mga falling star gumuguhit sya nga pasilangan, marami at sabay sabay yung mga yun. tapos pakanluran, patimog at hilaga. pero habang gumuguhit sya pababa ng pababa ang dinadaanan nga mga falling star hanggang maging kapantay na namin ng kasama ko parang si arthur tapos tinamaan kami ng mistulang lumilipad na falling star tapos naramdaman ko medyo parang binato ang pakiramdam ko tapos pagkadaan, nakita ko sa kamay ko ang mga bato at mga parang alahas na parang gems tapos sa paligid din maraming magagandang bato, tapos sa puno, may nakita akong diamonds, at kinuha ko yung 2 diamond. tapos bumaba kami ng hagdan ng kasama ko parang plaza yun tapos naupo kami sa gilid at may dumaan sa kalsada sa itaas kung saan dun nga dumaan yung mga falling star, ewan ko kung may nakita silang mga bato pero ang narinig ko sinabi nung babae na" tingnan mo sila ginawa na silang anino ", yung pagsasalita niya hindi ko maintindihan kung may halong, inggit o sama ng loob, or ewan ko. Iniisp ko naman dun sa panaginip, "ginawa kaming anino? nakikita ko naman ang kasama ko"...

Tapos, iba na naman ang setting ng iba kong mga panaginip... pero hindi ko na kayang iditalye... medyo magulo kc at kung sasan sasan napupunta.