Monday, November 14, 2016

Marami na akong napanaginipan pero di ko na naisulat. kanina nanaginip ako. may nagbigay sa akin ng buko at kinain ko. hindi pa masyadong malaman yung buko, medyo malambot pa. malauhog kung tawagin. tapos tumingala ako at nakita ko yung puno ng niyog na hitik sa bunga. may mga niyog na at may mga buko pa. tapos may umakyat at kinuha ang mga bunga ng buko at inilagay sa daan at tinakpan. Tapos papasok ako sa bahay tapos napansin ko ay hindi pala ito ang bahay ko. pumunta ako sa kabilang bahay at binuksan ko ang pinto. nagagandahan ako sa bahay. pagpasok ay nakapunta ako sa salas nakita ko yung magandang double bed na yari sa magandang uri ng kahoy. may sofa pa. dun daw ang higaan ng aking mga anak. then nagpunta ako sa may kusina. yari iyon sa kawayan. tapos may plywood papuntang kusina tapos may bababaan na parang terrace sa baba o pahingahan.. nagagandahan ako sa bahay. yari lang sa simpleng materials, pero maganda ang pagkakaayos.

No comments:

Post a Comment