Sunday, July 17, 2011

06-17 to 18-2011

Kakaiba na naman ang mga panaginip ko.

1. nasa loob ako ng CR at may kasama pa akong ibang mga babae, may nakalatag na banig doon. tapos nakita namin na saloob ng inidoro ay may 2 na uu na mahaba. tapos ng binuhusan ang inidoro ay naging mais ang mga uu 2 mais na buo at sariwa, ung isa ang binuksan at binasag pero yung isa sabi ko eh sa labas n lang natin itapon dahil di naman lulubog sa inidoro yan, pero di naman naim itinapon at hinayaan lng sa sahig ng CR.
2. tapos maya maya at nasa loob naman ako ng bahay at nagpapataya ang tatay ko ng STL. tiningnan ko ang listahan ng mga tumama, at sabi ko puro 3 ang mga tumama, tapos naisip ko malamang 32 ang tatama tapos tinuangan ko ng 6, sabi ko sa tatay ko tayaan tinayaan ko sya ng 18 at 10 kaya may sukli pa akong 2 sa ibinigay ko.
3. Tapos napunta naman ako sa kalsada at may tulak tulak kmi ng isa kong kaklase na pushcart na maliit, inilagay muna namin yun sa may tabi ng kalsada. tapos pumasok ako sa isang room n may ginaganap na meeting kasama ang aming kapitan. tapos parang may naaamok ako na mabaho parang umaalingasaw na pawis or basura, kaya lumabas na ako. tapos nasa labas nman at nakaupo ang classmate ko sabi ko sa kanya, ako n lang ang magsosoli ng pushcart sabi nya cge intayin n lng kta d2. tapos pinuntahan ko ang pushcart sa may kalsada pero kinuha yun ng magbobote, tapos hinabol ko sila, hindi ko inabutan, tapos nakita ko pa na parang nang iinis na pinaglalaruan ang mga barya sa kanilang kamay. iyak daw ako habang sinasabi ko na ibalik nyo sa akin ang pushcart ko...tapos bumalik din at ibinalik sa akin yung push cart.
4. Napunta nman ako sa isang room, sa room na yun may nalaglag galing sa puno, nung tingnan ko isang bat (paniki) na maliit. tapos may lumaglag pa na medyo malaki. hinawakan ko ang pakpak para hindi makalipad yung malaki. tapos sinubukan ko ilagay sa isang kulungan pero nakaalpas ito at hinayaan ko n lng pero naghihinayang ako na hindi ko naikulong.

No comments:

Post a Comment