Sunday, June 28, 2009

Invisible na lumilipad!

Eto na naman ako sa mga panaginip kong weirdo. Nanaginip ako na lumilipad ako at dumadaan ako sa mga post pero tumatagos lng ako at hindi ako naaano. pero may isang post na naumpog ako tapos may nakita akong isang babae na nakadapa ang ginawa ko hinawakan ko sya at inilipad at tumagos kami sa parang pader na nakaharang papunta sa pintuan ng isang mall. nung pumasok kami sa mall may mga parang cubicle na room kaming nadaanan at pumasok kami dun sa isa. tapos umalis ako at pumunta sa kabila. nakita ko ang isang matandang babaeng may hawak na pusa. sa table may nakikita akong aninong kamay parang naglalaro at nakipaglaro ako, wala naman akong hinahawakan pero meron akong nararamdaman na kamay na humahawak sa akin pero di ko nakikita pero sa anino nakikita ko. tapos lumabas na ako dun, pupunta sana ako sa supermarket pero pagpasok ko parang isang malaking restaurant ang nakita ko o parang reception o lugar na pag papartyhan. tapos paglabas ko nakita ko si inay at magtitinda yata kami ng manggang hinog, pumipili si inay ng mga mangga at ako ay nakipili din. tapos nagising na yata ako.hindi ko n maalala,

Basta nagising ako ng madaling araw tapos kakatulog ko pa lng uli napannaginipan ko na naman na umuu ang bunso ko sa kama kasama ko daw ung tagapagalaga ko, sabi ko ay naku, lalabhan n lng ang kumot at cover ng kama. tapos tinawag ako ni inay at nagising na ako ang sakit nga ng ulo ko kaseh kakatulog ko pa lng talaga nun. Kaya lng basta inay ko ang narinig ko kahit anong himbing ng tulog ko gigising at gigising ako. Nasanay na, ganun kaseh ako mula pagkabata.

No comments:

Post a Comment