Sunday, June 21, 2009

Sumisimot ng pera sa lupa.

Kagabi parang ang dami dami konh pinuntahan, masyadong magulo ang aking panaginip, ni hindi ko malaman kung ano ang simula, pero natatandaan ko ang ending.

May part sa panaginip ko na nakasakay ako sa isang pampasaherong bus. Tapos nasa isang probinsya na kami ni inay, pumasok kami sa isang parang simbahan sa panaginip ko ang tawag dun ay Sna Carlos, pero pag pasok namin sa loob ang daming hagdan, sumusunod lng naman ako kay inay, umakyat sya kasunod ako kaseh may hinahanp sya tapos bumaba sya uli, kasunod ako uli.

Napunta naman kami sa isang baryo, nasa isang bahay na yari sa kawayan at pawid, may mga kausap kami na mga matatanda na din tapos may narinig kaming tunog ng tambol.

umalis ako dun sa bahay, hindi ko alam kung san ako nagpunta pero may dinaanan akong sapa, hindi namn malabo pero hindi din namn masyadong malinaw ang tubig, katamtaman lng ba, dumaan ako dun tapos may mga lumalangoy na parang malalaking butete tapos nagpuntahan sa paa ko, hindi ako mkaalis sa sapa kaseh hindi ko maihakbang ang paa ko, humingi ako ng tulong, hindi ko alam kung paano ako nakaalis, pero pag alis ko pinisil ko ung paa ko at may lumabas na tubig. Napunta na naman ako sa isang bahay
Tapos hindi na daw pwedeng umalis ng bahay ang mga tao kaseh may mga bantay na security guard. Ang ginawa ko pinuntahan ko ung bantay nakita ko ung tatlong security guard. Tapos OK naman itinuro sa akin ang daan, nasa baryo ako pero parang over pass ang binabaan ko. pagbabako nasa malawak naman na lupain ako, tapos sa lupa may mga nkita akong pipisohin, sabi ko sa sarili ko, sisimutin ko ba tong mga piso na to? masimot nga. Nung sinimulan ko syang simutin, parang ang dami naman ng sinisimot kong barya, tapos may mga sampong piso at limang pison buo n din. hindi ko na nga mahawakan lahat kaseh ang dami kong sinisimot sa lupa. tapos may nakita akong bag, ewan ko kung kanino yun basta kinuha ko tapos inilagay ko ung mga barya, si inay naman nglalakad din dun sa lupaing yun at may isang taong kausap. papunta daw ako dun sa mga gamit ko para kunin tapos tiningnan ko ung mga baryang inilagay ko sa bag, eh medyo konti n lng ung barya kaseh merong mga buong pera naman.

Nagising na ako.

Kagabi bago ako matulog nag iisip ako ng negosyo na pede kong pasukin, kaseh, parang mas maganda magbusiness kesa magwork. May kinalaman kaya ang napakahaba kong panaginip na ito sa iniisip ko?

1 comment: