Monday, June 29, 2009

May dumaan na ahas!

Medyo Naklimutan ko na ang pinaka detalye, pero isusulat ko na rin ang natatandaan ko, nagpunta kami parang si ate at ang anak ko ang kasama ko sa isang lugar sa baryo namin n malapit sa school, may mga tinda dun na mga kakanin, inaalok kami nung isang nagtitinda na kain kayo, tapos tinanggihan ko hindi kami kumain sa tindahan nila, tapos dun sa isang tindahan, inalok din kami, tiningnan ko ung mga tinda nya, ang nandun ay minatamis n gulaman dagat, makapuno na may asuka, kanin at hindi ko na matandaan ung iba. kumuha ako ng tatlong putahe tapos kinain namin nina ate at ni airron, umupo ako sa kawayan at kumain. nakita ko may dumaang ahas, nag alala ako kaseh baka makagat ng ahas ang anak ko kaseh sa baba sila ni ate nakaupo, tapos naramdaman ko na may gumagapang sa likod ko tapos umalis sina ate, natatakot ako kseh baka ahas ang nasa likod ko, ang ginawa ko hindi ako gumalaw, pero nararamdaman ko na gumapang sa loob ng damit ko, hindi naman ako kinagat, tapos dahandahan kong inilusot ang kamay ko sa likod at nahawakan ko ung ahas at tinanggal ko.

ibang place naman ang napuntahan ko, nakakita ako ng puno na maraming bunga at ang mga tumpok ng bunga ay may nakasalo na mga net sabi ko siguro para di malaglag, tapos nagpunta uli ako sa isa pang puno, marami ding nakabitin sa itaas pero hindi bunga kundi mga cards (greeting cards, christmas cards etc..). Tapos parang merong roll playing na gagawin na hindi yata tapos parang iba ung gagawin kesa sa pinaractice,. Eto lng ang natatandaan ko. pero may part sa panaginip ko na masaya ako, nararamdaman ko un.

No comments:

Post a Comment