Tuesday, October 26, 2010

Panaginip- 10-25-2010

Pakiramdam ko ay nakasakay ako sa isang motorcycle at naglalakbay sa gitna ng kalsada. pagkatapos ay napunta ako sa isang lugar na parang pinagtataniman ng mga tubo pero wala nang mga tubo dun. Nakita ko napakadaming ahas, at natatakot ako, parang may pupuntahan ako dun, pero hindi ko alam kung sino at saan, dahil nga sa maraming ahas, umalis na lang ako. parang may kasama ako pero hindi ko maalala kung sino, basta umalis na lang kami dun, tapos may mga ahas pa na humaharang sa aming daan, pero, nakaalis naman kami ng maayos at hindi nama kami nakagat ng maraming ahas na yun. Tapos napunta naman ako sa isang sasakyan at parang kasama ko ang aking pamilya, nahulog kami sa bangin, pero may parachute and mga bata at nakakapit dun ang tatay nial, at ako naman ay nahulog sa sasakyan sa malambot na part kaya lahat kami ay ligtas at walang nasaktan. tapos sa pinagbaksakan ng animg sasakya ay may nakita kaming mga parts at ginawa naming fying car, at nakalipad kami habang pinapanood ang taal vulcano na pumuputok at nagbubuga ng bato pero walang apoy. at pagkatapos nakita ako ang aking sarili sa bahay na namin at pinapanood ang buwan na untiunting naaalis ang ulap, ang lakilaki ng buwan para lang may pie na hati, pero pagkalakilaki at pagkaliwaliwanag. Sabi ko sa pamangkin ko sa panaginip ko, swerte ang paglipat mo ng bahay, sahil ang ganda ng buwan. at nagising na ako.

No comments:

Post a Comment